-- Advertisements --

Tatlong COVID-19 vaccines na ang pinayagan ng mga regulators na magkaroon ng testing dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Phase 3 clinical trials. Ito ay ang mga bakuna na dinivelop ng Belgium-based Janssen Pharmaceuticals at Chinese firms na Clover Biopharmaceuticals at Sinovac Biotech.

Sa ilalim ng Phase 3 clinical trials, libo-libong pasyente ang babakunahan gamit ang mga nasabing bakuna upang malaman kung epektibo at ligtas na ipamahagi sa publiko. Ito rin ang final step na kailangang daanan ng isang bakuna para aprubahan sa mass rollout.

Sa ngayon ay wala pang inilabas na petsa kung kailan sisimulan ang clinical trials para sa Janssen, Clover at Sinovac, subalit ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra na pinaplano na mga vaccine manufacturers na ito na kaagad simulan ang clinical trial.

Narito ang target trial sites para sa bawat bakuna:

Janssen

  • San Pablo, Laguna
  • Cabuyao, Laguna
  • Makati City
  • La Paz, Iloilo
  • Bacolod City
  • Metro Manila

Clover Biopharmaceuticals

  • Quezon City
  • Makati City
  • Manila City
  • Taguig City
  • Las Piñas City
  • Parañaque City
  • Calamba, Laguna
  • Dasmariñas, Cavite

Sinovac Biotech

  • Quezon City
  • Marikina City
  • Pasay City
  • Alaminos, Laguna

Pinili ang mga sites na ito ng task group on vaccine evaluation and selection upang siguruhin na hindi “magkakasalubong” ang bawat clinical trial sites.

Nasabihan na rin ang bawat alkalde ng mga syudad na ang kanilang nasasakupan ang napili kung saan isasagawa ang trial sites.