Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na mauungusan ang target na revenue ng pamahalaan ngayong 2023.
Iniuat ng kalihim na ang nakolektang revenue para sa unang limang buwan ng taon na umakyat sa P1.6 trillion, ito ay P155.6 billion o 10.8% na pagtaas kumpara sa kaparehong period noong nakalipas na taon.
Sa datos mula sa Department of Finance, lumalabas na ang revenues mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon ay nasa P1.592 trillion, ito ay 10.83% na mas mataas kumpara sa P1.437 trillion na nakolektanoong nakalipas na taon.
Naka-ambag sa mataas na revenue ang improved tax collection at sa patuloy na kampaniya laban sa pekeng resibo.
Kayat tiwala ang kalihim na malalagpasan pa ang target ngayong taon dahil sa naitalang mas mataas na koleksiyon sa revenue noong nakalipas na Mayo ng kasalukuyang taon.
Umaasa ang Development Budget Coordination Committee na binubuo ng economic managers ng admisnitrasyon na aabot sa P3.73 trillion ang revenues ng gobyerno ngayong 2023.