-- Advertisements --

Pinagbawalang makapag-maneho ang Harry Potter actress na si Emma Watson sa England dahil sa overspeeding.

Naganap ang insidente habang minamaneho ng 35-anyos na actress ang kaniyang kulay asul Audi kung saan may bilis itong 38 miles per hour sa 30mph zone sa Oxford noong gabi ng Hulyo 31 ng nakaraang taon.

Bago pa man ang insidente ay mayroon ng siyam na puntos sa kaniyang lisensya bago ang insidente.

Inatasan din ang actress na magbayad ng mahigit ng halos na P60,000 na multa sa High Wycombe Magistrate Court.

Tanging ang abogado nitong si Mark Haslam ang dumalo sa isinagawang limang-minutong pagdinig sa kaso nito dahil nag-aaral siya sa Oxford.

Mula pa kasi noong 2023 ay kumukuha ang actress ng master’s degree sa creative writing sa University of Oxford.