-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) na nalampasan nito ang target na collection nito para sa unang quarter ng 2023 habang nagtatakda ng bagong record para sa monthly collection ng buwan ng Marso.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na nakakolekta ito ng P213.6 bilyon noong Enero hanggang Marso.

Ang unang tatlong buwan ng koleksyon ng 2023 ay lumampas sa target ng Customs na P197 billion na katumbas ng pagtaas na 8.43%.

Para sa Marso lamang, ang BOC ay nag-post ng kabuuang koleksyon na P80.1 billion na pinakamataas na monthly collection sa ngayon.

Nalampasan din ng collection performance noong Marso ang target na P72.2 billion para sa buwan ng P7.8 billion o 10.86%.

Una na rito, ang malakas na performance ng naturang collection ay dahil sa five-point priority programs ng Customs, na nakatutok sa digitalization ng mga proseso, pagpapasimple ng mga pamamaraan, pagsugpo sa smugglings, at pagpapasigla sa kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.