-- Advertisements --

Tinalo ni Pinoy boxer Marlon Tapales ang kalaban nitong Uzbekistan boxer na si Murodjon Akhmadaliev.

Dahil sa panalo ay naging unified super bantamweight champion na si Tapales sa laban na ginanap sa Boeing Center sa San Antonio, Texas.

Nakuha ni Tapales ang WBA (Super) at IBF belts sa pamamagitan ng split decision.

Ang 31-anyos na si Tapales ay siyang pangalawang Filipino boxing world champion na sumusunod kay Melvin Jerusalem na nakuha ang WBO minimumweight belt noong nakaraang tatlong buwan sa Japan.

Hindi makapaniwala si Tapales na manalo ito dahil itinuturing niya ang sarili bilang malaking underdog laban kay Akhmadaliev.

Posibleng sumunod na laban nito ay ang sinumang manalo sa pagitan ni Naoya Inoue at Stephen Fulton na maghaharap sa Hulyo 25 sa Tokyo, Japan.