-- Advertisements --
Inaalam pa na ng Caloocan City PNP ang motibo sa pananambang sa isang prosecutor.
Sinabi ni Caloocan City police chief Noel Flores, na noon pang nakaraang mga buwan nakakatanggap na ng pagbabanta sa buhay si prosecutor Elmer Susano ng Caloocan City Regional Trial Court.
Dagdag pa ni Flores, isa sa tinitingnan nilang motibo ay ang posibleng mga kaso na hawak ni Susano.
Magugunitang nitong nakalipas na Martes ng hapon ay nakaligtas si Susano sa pamamaril ng ilang hindi pa kilalang suspek.
Nanggaling sa isang restaurant ang piskal nang lapitan ito ng mga gunmen.
Nakaligtas ito dahil sa bullet-proof ang kaniyang sinasakyang pick up truck.