-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatiling buhay ang posibilidad ng tambalang Sara Duterte at Gibo Teodoro para sa 2022 elections sa kabila ng nanunang anunsyo ng presidential daughter na muli siyang tatakbo bilang alkalde ng Davao City at hindi bilang pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Camarines Sur 1st District representative Rolando Andaya, hindi na umano bago sa politika lalo na sa panig ng Duterte ang istilo ng pabago-bagong desisyon kahit pa sa mismong huling araw na ng substitution.

Kinumpirma ng kongresista na mismong sina Sara at Gibo na ang nagsabi sa kanya ng kanilang planong pagtakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo sa susunod na taon.

Malaki umano ang posibilidad na tatakbo ang dalawa bilang mga independent candidates subalit suportado ng local parties lalo na ng Hugpong ng Pagbabago ni Sarah.

Samantala, sakaling matuloy nga ang pagtakbo ng tambalang Sarah-Gibo malaki magpaubaya na lang si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi na ituloy pa ang planong pagtakbo bilang Bise Presidente.