CEBU CITY – Hinimok ng alkalde ng lungsod ng Talisay sa lalawigan ng Cebu ang kanyang mga konstiwente nga huwag mag-panic sa natalang UK variant ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Bunsod ito sa walong bagong kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan tatlo nito kay galing sa Central Visayas partikular na ang Cebu.
Ang dalawa sa tatlong pasyente ay galing sa lungsod ng Talisay habang ang isa ay galing sa munisipalidad ng Liloan.
Ibinunyag ni Talisay City Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas sa kanyang social media post na ang unang dalawang pasyente nahawaan ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 ay nakarekober na sa sakit. Dagdag pa nito na itong mga pasyente ay agad sumailalim sa isolation sa noong bumalik o sa Pilipinas galing sa United Arab Emirates sakay ang Philippine Airlines flight PR 659 noong Enero 7, 2021.
Ang dalawang pasyente ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROF) galing sa UAE. Ang una ay isang 29-taong gulang na babae at ang pangalawa ay isang 54-taong gulang na lalake.
Sa ngayon, umakyat na sa 25 ang natalang kaso ng B.1.1.7 variant o UK variant sa bansa.