-- Advertisements --

Umapela ang Taliban government sa Afghanistan para sa international support matapos ang pinsalang iniwan ng tumamang 6.1 magnitude na lindol sa kanilang bansa.

Maliban kasi sa humanitarian crisis dumaranas din ang Afghanistan sa economic crisis.

Ayon kay senior Taliban official Abdul Qahar Balkhi, financially incapable ang gobyerno para mabigyan ng tulong ang mga mamamayang apektado.

Bagamat bumubuhos aniya ang tulong mila sa mga ahensiya at karatig na bansa, kailangan pa aniya ng karagdagang tulong dahil sa malawak na pinsala ng itinuturing na deadliest earthquake na tumama sa kanilang bansa sa nakalipas na mga dekada.

Sa pinakahuling data, umabot na sa mahigit 1,000 katao ang namatay habang nasa 1,500 indibidwal ang naitalang sugatan at may ilan pang pinaniniwalaang nabaon mula sa mga gumuhong bahay at gusali.

-- Advertisement --

Karamihan sa mga casualties ay mula sa Gayan at Barmal districts ng Paktika kung saan napaulat na nawasak ang buong village sa Gayan.

Una rito, tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa South eastern Paktika province na episentro ng lindol kung saan nakapagtala ng mga napinsalang kalsada at nasira din ang mobile phone towers at pinangangambahang madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Puspusan naman ang pagbibigay ng United Nations ng emergency shelter at food aid sa mga apektadong mamamayan ng Afghanistan.

Pahirapan naman ang nagpapatuloy na rescue operations sa mga lugar na napinsala ng lindol dahil sa matinding pag-ulan at kawalan ng resources.