Nagbabala ngayon ang Taliban sa Estados Unidos na huwag sirain ang kanilang rehimen sa kasagsagan ng kanilang kauna-unahang face-to-face talks.
Kasunod ito nang pag-withdraw ng tropa ng US sa naturang bansa noong Agosto.
Habang nagluluksa naman ang pamilya ng mga biktima ng pambobomba sa Shiite mosque sa northern Afghanistan na ikinamatay ng 62 katao, sinabi ng Taliban delegation sa US officials sa Doha, Qatar na anumang hakbang na magpapahina sa kanilang gobyerno ay magreresulta ng mas malaking problema sa kanilang mga kababayan.
Noong Biyernes nang maganap ang pagsabog sa Kunduz na agad inako ng Islamic State group.
“We clearly told them that trying to destabilise the government in Afghanistan is good for no one,” ani Taliban foreign minister Amir Khan Muttaqi sa Afghan state news agency Bakhtar.
Kasunod nito, hiniling ni Muttaqi sa iba’t ibang bansa na magkaroon ng magandang ugnayan at relasyon sa Afghanistan para sa ikabubuti ng bawat isa.
“Good relations with Afghanistan are good for everyone. Nothing should be done to weaken the existing government in Afghanistan which can lead to problems for the people,” dagdag ni Muttaqi sa recorded statement.