-- Advertisements --

Ilang araw bago ang pagpapalit ng taon ay sinimulan nang talakayan ng matataas na opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapaigting pa sa kooperasyon ng dalawang bansa sa susunod na taong 2024.

Ito ay matapos ang isinagawang phonecall meeting nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at US Secretary of State Antony Blinken kung saan kapwa muling kinilala ng dalawang opisyal ang alyansa at bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang statement ay ibinahagi ni Sec. Manalo na kabilan sa kanilang mga napagpulungan ay ang mga usapin na may kaugnayan sa mutual concerns ng dalawang bansa, kabilang na ang kasalukuyang nagpapatuloy na tensyon ngayon sa West Philippine Sea.

Dito ay muli aniyang pinagtibay ng ating bansa ang pagprotekta sa soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon ng Pilipinas sa mga teritoryong ating nasasakupan kasabay ng pagpapanatili pa rin sa kapayapaan, seguridad, at pagtataguyod sa pagsunod sa rules-based international order.

Kaalinsabay nito ay binigyang-diin din ni Manalo ang kahalagahan ng pakikipagdayalogo at pagpapanatili rin sa bukas na pakikipagkomunikasyon sa iba pang mga partido o kaalyadong bansa.

Samantala, sa panig naman ng Estados Unidos ay muli ring binigyang-diin ni Blinken ang tiyak naa ironclad commitments ng kanilang bansa sa Pilipinas sa ilalim pa rin ng yan ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.