Taiwanese tourist in Boracay 1

KALIBO, Aklan – Dismayado ang lokal na pamahalaan ng Malay sa ang pagrampa sa beach front ng Station 1 ng Boracay ng isang babaeng Taiwanese tourist sa pagsuot ng babaeng Taiwanese tourist suot lamang ang micro bikini string.

Ayon kay Malay SB Member Nenette Aguirre-Graf, nakakawindang at nakaka-iskandalo raw ang ginawa ng dayuhan.

Para kay Graf, hindi tama ang ginawa ng naturang dayuhan kahit iginiit nito na ang kanyang ginawa ay “form of self expression” lamang.

Maalalang matapos na mag-viral ang larawan ng dalaga kasama ang kanyang kasintahan ay kaagad silang hinanap ng mga otoridad at pinagmulta ng P2,300 dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 203 series of 2003 o “taking nude excessively erotic pictures.”

Ang nasabing mga turista ay tatlong araw na nag-chek-in sa isang kilalang resort sa isla at nakauwi na kahapon ng Biyernes pabalik sa kanilang bansa.