Humaharap ngayon sa kasong rape at child abuse ang isang Taiwanese nastional dahil sa di-umano’y panggagahasa nito sa isang 16-anyos na dalagita sa Malate, Manila.

Inaresto ng Special Mayor’s Team (SMART) ang suspek na kinilalang si Wei Tang Yao sa loob ng kaniyang sariling bahay matapos makatanggap ang mga ito ng reklamo mula sa biktima.

Ayon kay SMART chief Police Major Rosalino Ibay Jr., isang “Gina” umano ang nagpakilala sa biktima kay Yao.

Inamin naman ng suspek na kilala nito si “Gina” ngunit mariing itinanggi na ginahasa niya ang dalaga.

Nakakita rin ang SMART team ng apat na sachet ng shabu mula sa condo unit ni Yao.

Sa ngayon, nasa ilalim ng kustodiya ng SMART’s Women’s Protection Desk ang bikitma habang ang suspek naman ay kakasuhas dahil sa paglabag nito sa Comprehensive Dangerous Drug Act.