Sasampahan ng patong-patong na kaso ang isang Taiwanese national nahulian ng ilang mga matataas na kalibre ng armas sa lungsod Makati.
Aabot sa 85 na mga baril at ilang daang mga bala ang nakuha sa bahay ng suspek na si Jiang Zhang Xiadong, alias Liu Ming Chung sa Makati City.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na ang operasyon na isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ay follow-up sa anti-drug operations ng mga otoridad noong Marso 1.
Nakuha sa suspek ang 13 rifles, pitong submachine guns, 65 handguns, mga bala at hand accessories.
Katuwan ng mga otoridad ang Taipei Economic And Cultural Office para sa matagumpay na pagpapatupad ng warrants of deportation and mission order laban sa tatlong Taiwanese.
Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. na ilang linggo ang ginawa nilang surveillance na ikinaaresto sa mga suspeks na sina Wu Jheng Long or Wu Chang, Chen Chien-Ning or Chang Yung-Han or Chang Yung Han, Yang Zong Bao, at Chen Chun Yu na mga miyembro umano ng sindikato.
Ang pinakahuling suspek ay wala sa kanilang bahay noon kaya isinagawa nila ang follow up.
Bukod aniya sa paglabag sa illegal possession of firearms ay inihahanda na ng mga otoridad ang ibang mga kaso.