-- Advertisements --
OFW lane aiport

Malaking tulong umano para sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong wage order ng Taiwan Ministry of Labor (MOL).

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, may minimum monthly at hourly wage ang mga manggagawa nasa 4.55 percent at 4.76 percent.

Pero magiging epektibo ito sa Enero 1 ng susunod na taon.

Kung maipapa-iral, aakyat ang monthly minimum wage mula sa P46,860.40 patungo sa P48,994.70.

Habang ang basic hourly rate ay mula P311.78 patungo sa P326.63.

Sa kasalukuyan, may 147,853 Filipino workers sa Taiwan.

Sa bilang na ito, 121,756 ang nasa productive industry o factory workers.

Tinatayang madaragdagan pa ito ng 20,000 OFWs sa nasabing job category hanggang December 2022.