-- Advertisements --
Personal na nanood si Taiwan President Tsai Ing-wen sa ginagawang taunang pinakamalaking naval at air exercises.
Sumakay ito sa naval warship para saksihan ang kakayahan ng kanilang military laban sa mga magtatangkang manakop.
Ang nasabing miitary exercise din ay pagpapakita ng kakayahan nila sa patuloy na pressure na ginagawa ng China.
Ipinaggigiitan pa rin kasi ng China na parte ng kanilang bansa ang Taiwan.
Magugunitang makailang beses na rin na itinaboy ng Taiwan ang mga fighter jets ng China na sumakop sa kanilang himpapawid.