-- Advertisements --
DOH WHO coronavirus nCov Duque
DOH and WHO joint press conference on nCoV updates

Pinuri ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtanggal na ng temporary travel ban sa Taiwan dahil sa banta ng COVID-19.

Sa inilabas na kalatas ng TECO, pinapahalagahan ng Taiwan ang relasyon nila ng Pilipinas.

Determinado din sila sa pagpapalakas ng bilateral ties at ang promosyon ng pagkakaisa ng kanilang mamamayan at ng mamamayan ng Pilipinas.

Tiniyak din nito na patuloy ang pakikipagtulungan ng Taiwan sa international community para labanan ang COVID-19.

Nauna rito inanunsiyo mismo ni Communications Secretary Martin Andanar at Department of Health Secretary Francisco Duque ang tuluyan ng pagbawi ng travel ban sa Taiwan.

Ang nasabing desisyon ay bunsod ng ginawang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).