-- Advertisements --
Nangangailangan ng mahigit na 80,000 na trabaho ang Taiwan.
Kinumpirma ito ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at Taipei Economic Cultural Office (TECO) kung saan karamihan dito ay mga factory workers at English teachers.
Sinabi ni TECO Representative Wallace Chow, na nangangailangan sila ng mas maraming mga English teachers at maraming mga Filipino na ang nagtungo sa Taiwan para maging English teachers.
Kailangan ay edcuation graduates ang aplikante at mayroong lisensiya ito na magturo mula sa Professional Regulation Commission.
Ayon naman kay MECO Chairman Silvestre Bello III na hindi bababa sa P150,000 kada ang magiging sahod ng mga guro.