-- Advertisements --

Nanawagan na ang Taiwan sa China na tanggapin na lamang katotohanan at irespeto ang resulta ng ginanap nilang halalan.

Ito ay matapos na makailang beses ng nanawagan ang China na huwag iboto ang pro-sovereignty candidate na si Lai Ching na siyang nagwagi bilang bagong pangulo ng Taiwan.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan na hayaan na lamang dapat ng China ang desisyon ng mga tao sa pagpili ng kanilang bagong pangulo.

Una rito ay kinondina ng China ang pahayag ni US Secretary of State Antony Blinken ng batiin ang pagkapanalo ni Lai bilang bagong pangulo ng Taiwan.

Iginigiit kasi ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan at dapat irespeto ng US at ibang mga bansa.

Magugunitang tinalo ng 64-anyos na si Lai ang kaniyang katunggali na si Hou Yu-ih ng mahigit na 900,000 na boto.