-- Advertisements --

Nagbabala ang Taiwan na papabagsakin nito ang mga Chinese baloon na makikita sa teritoryo nito, lalo na kung makikitang ang mga ito ay banta sa kanilang seguridad.

Inilabas ng Defense Ministry ng Taiwan ang nasabing pahayag, kasabay ng paglitaw ng panibagong mga report ukol sa muling pagpapalipag ng China ng mga spy ballons na tinatarget ang mga kalapit na bansa, kabilang na ang Taiwan at Japan.

Ayon kay Colonel Lo Cheng-yu ng Defense Ministry ng Taiwan, binabantayan nila ang sitwasyon sa buong Taiwan Strait at patuloy ang ginagawang tracking sa anumang posibilidad ng pagpapalipad ng mga high-altitude ballons na mangagaling sa mainland China.

Regular din aniya ang palitan nila ng impormasyon, kasama ang mga kaalyadong bansa, ukol sa pagpapalipad ng mga spy ballon, para matiyak na mamonitor ang anumang banta nito sa kabuuan ng Taiwan.

Samantala, kinumpirma na rin ng pamahalaan ng Japan na may namataan itong mga balloon na lumipad sa teritoryo nito, at nakahanda silang pabagsakin, oras na matukoy ang banta nito sa seguridad ng nasabing bansa.

Matatandang una nang naging controbersyal ang mag spy balloons sa US, matapos umanong matukoy na ang mga ito ay galing o pinalipad pa ng bansang China.