-- Advertisements --
image 16

Nag-deploy ang Taiwan ng kanilang aircraft para balaan ang 10 Chinese military aircraft na nadetect ng kanilang missile system na tumawid sa median line ng Taiwan strait, isang unofficial barrier sa pagitan ng magkabilang panig.

Kinumpirma ito ni Taiwan’s Defense Ministry ngayong araw kasabay ng patuloy na military activities ng China malapit sa isla.

Ayon sa ministry, nasa 9 na Chinese fighter jets at isang military drone ang tumawid sa naturang median line.

Nagsasagawa umano ang naturang mga Chinese aircraft na combat readiness patrols na isang hakbang na sinabi ng defense minsitry ng Taiwan na lumikha ng tensiyon at sinira nito ang kapayapaan at estabilidad.

Una ng nagbanta ang China sa posibleng retaliation sakaling makipag-kita si Taiwan President Tsai Ing-wen na kasalukuyang nasa biyahe patungong Amerika, kay US House of Representatives Speaker Kevin McCarthy.

Inaasahang makikipagkita ang Taiwan leader sa US official sa Los Angeles ngayong buwan ng Abril