Nagpalipad na naman ang China ng 25 warplanes sa air defense identification zone (ADIZ) ng Taiwan.
Ito aniya ang pinakamalaking paglabag sa air space mula nang magsimula ang isla ng regular na pag-uulat ng naturang aktibidad noong Setyembre.
Ayon sa Ministry of Defense ng Taiwan, dumating ang warplanes ng China, isang araw matapos ang babala ng US Secretary of State sa Beijing na ang Washington ay nakatuon sa pagtatanggol sa demokratikong pamahala ng Taiwan.

Kung maalala ang Taiwan ay patuloy pa ring itinuturing ng China na bahagi ng kanilang teritoryo.
Kabilang naman sa mga warplane na ipinadala ng China’s People’s Liberation Army forces ay ang 14 na J-16 fighter jets; apat na J-10 fighter jets; apat na H-6K bombers; dalawang anti-submarine warfares planes at airborne early warning at control plane.
Tumugon naman ang Taiwan sa pamamagitan nang pag-alerto ng kanilang combat aircraft.
Ganon din ang kanilang missile defense system kasabay nang pag-issue nila ng radio warnings sa mga Chinese plane na pumasok na sa southwestern corner ng isla na idineklarang air defense identification zone (ADIZ).
Napag-alaman na noong Marso 26 ay nagpadala rin ang China ng 20 jets sa air defense identification zone ng Taiwan.
Ang Taiwan ay inaangkin ng Beijing bilang kanilang teritoryo kahit na ang demokratikong isla na may halos 24 milyong katao ay pinamamahalaan nang magkahiwalay sa loob ng mahigit sa pitong dekada.
















