-- Advertisements --
image 89

Kinondena ng Taiwan ang China sa pagsasagawa nito muli ng ikalawang military combat drills malapit sa isla sa loob lamang ng halos isang buwan mula ng naunang drills nito.

Ibinunyag din ng Defense Ministry ng Taiwan na namataan ang nasa 57 Chinese aircraft.

Ayon sa Eastern Theatre Command of the People’s Liberation Army na nagsagawa ang kanilang pwersa ng joint combat rediness patrols at actual combat drills sa karagatan at airspae sa palibot ng Taiwan na nakasentro sa land strikes at sea assaults.

Layunin aniya nito na masuri ang joint combat capabilities at determinasyon sa paglaban sa provocative actions ng external forces at ng Taiwan independence separatist forces.

Sinabi naman ng Presidential office ng Taiwan na gumagawa ang China ng mga walang basehang akusasyon at iginiit na ang kapayapaan at stability sa Taiwan Strait at rehiyon ay kapwa responsibilidad ng Taiwan at China.