-- Advertisements --

Muling ikinagalit ng Taiwan ang ginawang pagpapalpad ng mga fighter jets ng China sa kanilang himpapawid.

Ayon sa defense ministry ng Taiwan na hindi bababa sa 30 mga fighter jets ng China ang lumipad sa kanilang air defense identification zone o ADIZ sa Pratas Islands.

Dahil sa insidente ay nagkumahog sila at agad nilang itinaboy ang nasabing eroplano ng China.

Kinabibilangan ito ng 22 fighter jets ganun ang electronic warfare at antisubmarine aircraft.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng pagpapalipad ng China himpapawid na sakop nila na ang huli ay noong Enero na mayroong 39.

Magugunitang ipinipilit ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.