-- Advertisements --

Malaki ang posibilidad na ang Bayanihan 3 na kung sakaling maging ganap na batas ay ang pinakahuling economic stimulus ng pamahalaan sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng ekonomistang kongresista, at may-akda ng Bayanihan 3, na si Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo na pagdating kasi ng Agosto ay sisimulan nang talakayin ng Kongreso ang panukalang pambansang pondo para naman sa susunod na taon.

Dito malalaman kung anu-anong mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa 2022 ang mapopondohan.

Marikina Rep. Stella Quimbo
Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo



Gayunman, sinabi ni Quimbo na depende pa rin ang lahat ng ito sa success ng COVID-19 vaccination program o pagkamit sa inaasahan ng pamahalaan na herd immunity.

Ang Bayanihan 3 ay naglalaman ng P405.6-billion lifeline measures para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Kabilang na rito ang pondong inilalaan para sa P1,000 na ayuda para sa lahat ng mga Pilipino na target ibigay sa loob ng dalawang tranches.