-- Advertisements --

booster

Sinimulan na ngayong araw ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pagbibigay ng Covid-19 booster shots sa kanilang mga medical workers na kabilang sa A1 category.


Isinagawa ang vaccination sa mga health care workers kaninang ala-1:00 ng hapon sa SM Aura Vaccination Hub, Samsung Hall, SM Aura, BGC, Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City Head of Immunization, Dr. Jennifer Lou De Guzman, nasa 1,000 medical workers mula sa Taguig City Health Office at sa Taguig-Pateros District Hospital ang naturukan ng booster shots gamit ang Pfizer doses.

Sinabi ni De Guzman, target ng pamahalaang lokal na mabigyan ng booster shots ang nasa 20,000 health workers nito.

Binigyang-diin ni De Guzman ang kanilang Pfizer booster shots ay sapat para sa kanilang mga medical workers.

booster2

Panawagan naman ni De Guzman sa mga residente ng Taguig na maging maingat pa rin at huwag magpa kumpiyansa sundin pa rin ang minimum public health standard protocols.

Ito ay kahit patuloy ang pagdating ng mga booster doses sa bansa.

Lubos naman nagpapasalamat ang mga medical workers ng siyudad matapos makatanggap ng booster shots dahil magbibigay ito ng dagdag na proteksiyon laban sa sakit.

Ayon naman kay Taguig-Pateros District Hospital assistant head in infectious and prevention safety control Mr. Exekiel Renald III na malaking tulong ang booster shot para maiwasan na ma-infect ng severe symptoms ng Covid-19.