-- Advertisements --

lani3

Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Taguig ang house to house distribution ng birthday cash gift para sa mahigit 270 senior citizens na nagdiriwang ng kanilang birthday ngayong buwan ng Agosto mula sa 10 Embo barangays na nasa kanilang hurisdiksyon na ngayon.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga senior citizens mula sa siyudad ay makakatanggap ng cash gifts mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa age bracket.

P3,000 para sa edad na 60-69 years old,
P4,000 para sa 70-79 years old,
P5,000 para sa 80-89 years old, at
P10,000 para duon sa 90-99 years old.

Sa sandaling maging 100 ang kanilang edad ay bibigyan sila ng P100,000.

Mismong si Mayor Lani Cayetano ang personal na nagbigay ng cash gift sa mga senior citizens kung saan ginanap ang Kick off ceremony ay ginanap sa Barangay Pembo.

Nagpasalamat naman ang 72-year-old na si Guillermo Perez Jr. mula sa Barangay South Cembo sa cash gift na kaniyang natanggap.

“Napakaganda po na dinadala niyo sa amin sa bahay ang aming cash gift. Maraming salamat po,” ayon kay Perez na nakatanggap ng P4,000 cash gift.

Sobrang tuwa naman ni Adela Miranda, 86 years old mula sa Barangay Post Proper Southside, na first time na nakatanggap ng P5,000 cash gift.

Inihayag ni Mayor Lani na sa kabila ng kulang sila sa database, nagawa pa rin nila na makahanap ng initial list ng 271 senior citizens.

Nagpasalamat naman si Mayor Lani dahil sa tulong ng mga community leaders ng Embo barangays.

“Kahit po mano mano ang pagkalap ng ating datos, hindi na namin ipinagpabukas ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa ating mga senior citizen,” pahayap ni Mayor Lani.

Nagbukas din ng one-stop shop volunteer center ang Taguig sa Barangay Pembo para duon pumunta ang mga hindi nakasama sa listahan ng mga senior citizens.

Siniguro ni Mayor Lani na bukas ang one-stop shop para sa mga katanunganat aplikasyon ng social services gaya ng medical assistance, burial assistance, benefits for persons with disabilities, at maging sa scholarship concerns.