-- Advertisements --
cropped Supreme Court 1

Nanindigan ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig.

Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Iginiit ng Taguig LGU na walang ligal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.

Ang opinyon na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.

Taliwas din umano ang opinyon ng OCA sa nature at tono ng mismong desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

Tinukoy din ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte v Province of Quezon.

Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nasasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon. 

Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

Matatandaan na dalawang beses nang ibinasura ng SC ang tangka ng Makati City na mairekonsidera ang pinal na desisyon ng SC subalit nanindigan ang mga mahistrado na ang Parcel 3 at 4 sa PSU 2031 na kinabibilangan ng 10 barangay ay nasa legal na hurisdksyon ng Taguig base na rin sa iprinisintang historical, documentary at testimonial evidences.

Nanindigan ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig.
Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.
Iginiit ng Taguig LGU na walang ligal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.
Ang opinyon na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.
Taliwas din umano ang opinyon ng OCA sa nature at tono ng mismong desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.
Tinukoy din ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte v Province of Quezon.
Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nasasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon. 
Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.
Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.
Matatandaan na dalawang beses nang ibinasura ng SC ang tangka ng Makati City na mairekonsidera ang pinal na desisyon ng SC subalit nanindigan ang mga mahistrado na ang Parcel 3 at 4 sa PSU 2031 na kinabibilangan ng 10 bara