Nag-alay ng pagdarasal si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, sa mga mamamayan na dinaraanan ng bagyong Ursula.

Sa kaniyang pangunguna sa misa kagabi sa pagdiriwang ng Pasko sa Manila Cathedral, na kahit na marami ang masayang magdiriwang ng Pasko ay nararapat na huwag kalimutang ipagdasal ang mga daraanan ng bagyo sa ibang bahagi ng bansa.

Ipinaalala din nito ang kahalagahan ng diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan.

Huwag dapat natin aniya ipahamak ang ating mga kababayan at sa halip ay tulungan ang mga ito para umangat.