-- Advertisements --
Pinaghahanda ng mga ahensya ng gobyerno ang publiko sa pagsisimula ng panahon ng tag-init sa ating bansa.
Paalala ng Department of Health (DoH), may mga sakit na karaniwang nararanasan sa ganitong panahon, kasabay ng madaling pagkapanis ng mga pagkain, kaya nagkakaroon ng mga kaso ng food poisoning.
Sa pagtaya ng mga eksperto, maaaring magtapos ang pag-iral ng malamig na hanging amihan sa susunod na linggo, na siyang magiging hudyat ng pag-uumpisa ng tag-init.
Kapag ganitong panahon, mas nagiging madalang din ang mga pag-ulan kaya paalala ng Department of Science and Technology (DOST), magtipid sa tubig para sa mga panahon ng kakulangan ng supply nito mula sa water reservoir.