-- Advertisements --
Umatras sa paglahok sa 32nd Southeast Asian Games si Filipina taekwondo star Pauline Lopez.
Ayon sa two-time SEA Games gold medalist na personal niyang desisyon ang magpahinga sa mga torneo ngayong 2023.
Dagdag pa nito na hindi pa niya mapagdesisyunan kung babalik pa ito sa pakikipagkumpetisyon.
Unang nakakuha ng gintong medalya si Lopez noong 2015 SEA Games sa Singapore na sinundan noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.
Bronze medal naman ang kaniyang naiuwi noong 2018 Asian Games.
Noong nakaraang taon ay hindi na lumahok ito sa SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam dahil na rin sa COVID-19 restrictions at ito ay mayroon pang mga ibang prioridad.