Mary Jane Tabal
Mary Joy Tabal

Mas bumibigat na ang ginagawang ensayo ni Olympian marathoner Mary Joy Tabal habang papalapit na nag Southeast Asian Games.

Bukod aniya sa kaniyang coach na si John Duenas ay mayroon pang dalawang Japanese coach ito.

Ayon pa kay Tabal, na mas pinaigting ang kanilang ensayo gaya ng mas malayo ang kanilang tinatakbo.

Mas doble aniya ang focus niya ngayon para maging matagumpay sa nalalapit na torneo.

Target nito ngayon na maulit ang tagumpay nito noong nakaraang SEA Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.