-- Advertisements --
image 38

Magtataas na ng singil sa toll fee sa mga motoristang bumabaybay sa South Luzon Expressway (SLEx) epektibo bukas, Nobiyembre 3.

Ang mga babaybay mula Alabay patungong Calamba ay mababayad ng karagdagang toll fee na P10 para sa Class 1 vehicles tulad ng mga kotse, P20 para sa Class 2 vehicles o mga bus at maliliit na truck at P30 para sa Class 3 vehicles o mga malalaking truck.

Samantala, ang mga babiyahe naman mula Calamba patungong Sto. Tomas, Batangas ay may dagdag singil sa toll fee na P4 para sa Class 1 vehicles, P8 para sa Class 2 vehicles at P8 naman para sa Class 3 vehicles.

Ipinaliwanag ni Toll Regulatory Board (TRB) na ang taas singil sa toll fee ay kasabay ng pagbilis ng inflation.

Samantala, nakatakda namang ipatupad ang ikalawang bugso ng dagdag singil sa toll fee sa susunod na taon.

Ito naman ang kauna-unahang paggalaw ng toll rate para sa SLEX mula pa noong 2011.