-- Advertisements --

Isang 38-gulang na lalaki ang nasawi habang limang iba pa, kabilang ang 5-taong gulang na babae, ang nasugatan sa isang mass shooting incident sa Baltimore, Maryland USA noong sabado ng gabi.

Naganap ang insidente malapit sa Spaulding at Queensberry Avenues habang nagtitipon ang mga tao para sa isang crab feed.

Batay sa ulat, nagtamo ang batang babae ng tama ng bala sa kamay ngunit hindi malubha ang kanyang sugat. Habang ang iba pang sugatang biktima ay nagtamo rin ng mababaw na sugat.

Wala pang detalye ang pulisya tungkol sa suspek o motibo ng pamamaril.

Hinikayat naman ang publiko sa mga nakakaalam ukol sa pagkakakilanlan ng suspek na agad ipag-bigay alam sa Metro Crime Stoppers.