-- Advertisements --
Nag-iwan ng dalawang katao ang patay at isa ang kritikal sa naganap na pamamaril sa isang commercial park sa Maryland, USA.
Napatay ng mga kapulian ng Frederik ang suspek na isang Navy sailor.
Ayon kay Frederick Police Chief Jason Lando, inaalam pa nila ang totoong pangyayari sa nasabing insidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon, pinuntahan nila ang Riverside Tech Park at naabutan nila ang dalawang biktimang lalaki na wala ng buhay.
Matapos ang insidente ay nagtungo ang suspek sa Fort Detrick Army base kung saan doon na siya binaril ng mga otoridad.