-- Advertisements --

Isang 60-foot na passenger boat na may pangalang Discovery ang sumadsad at halos tumagalid sa mabatong bahagi ng dagat malapit sa Kewalo Basin Harbor sa Honolulu, Hawaii noong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang alas-8 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Makikita sa mga kuhang video ng mga saksi na halos tumagilid ang bangka habang tinatangay ng malalaking alon.

Dalawang crew lamang ang sakay ng Discovery at parehong nailigtas, ayon sa U.S. Coast Guard.

Agad namang inalis ang langis, krudo, at baterya ng bangka upang maiwasan ang oil spill.

Batay sa mga awtoridad ang bangka ay napag-alaman na bumangga sa malalaking bato matapos tangayin ng malalaking alon papunta sa gilid ng baybayin.

Sa ngayon ay nahila na ang naturang banka matapos hintaying tumaas ang tubig dagat sa naturang baybayin.