-- Advertisements --
image 363

Asahan na ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa kasagsagan ng dry season sa gitna ng inaasahang pagtaas ng demand at manipis na reserba ng kuryente ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay ERC chairperson and CEO Monalisa Dimalanta na historically, tumataas ang demand habang bumababa naman ang suplay ng kuryente sa tuwing buwan ng dry season.

Ipinaliwanag ng ERC official na ang antas ng tubig ay bumaba mula Marso hanggang Mayo na nakaapekto sa performance ng hydroelectric power plants na nagresulta naman sa pagdepende sa mas mahal na alternatibong fuel sources gaya ng oil at gas.

Nauna na ring sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra na inaasahang ilagay sa yellow alert ang Luzon grid ng 12 beses sa week 11 ngayong Marso, week 13 at 17 sa Abril, gayundin sa buong week ng Mayo, at sa mga susunod pang buwan hanggang Nobiyembre.

Iniisyu ang yellow alert kapang ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang regulating at contingency requirment ng transmission grid na nasa 668MW bawat isa.

Inihayag naman ng National Grid Corp. of the Philippines na inaasahang magiging manipis ang supaly ng kuryente sa kasagsagan ng buwan ng tag-init dahil na rin sa pagtaas ng demand sa kuryente.