Target ng Department of Transportation (DOTr) na maglabas ng kanilang desisyon sa unang quarter ng bagong taon kaugnay sa petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng singil sa pasahe sa LRT-1.
Mismong inamin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nararapat lamang daw na makabawi ang private sector sa kanilang ibinuhos na investment para mabigyan ng ginhawa ang mga mananakay.
Batay sa kontrata sa pagitan ng LRMC at gobyerno, dapat may taas daw singil sa pamasahe ang LRT-1 kada dalawang taon.
Kung ipapaalala taong 2016 nang mag-take over ang LRMC sa operasyon, rehabilitasyon at maintenance ng LRT-1
Kabilang pa sa nakapaloob sa kontrata ay ang paggawa sa LRT-1 Cavite extension project na nagkakahalaga ng P64.9 bilyon.
Pinakahuling naghain ng petisyon ang LRMC para sa taas singil sa pasahe ay noon pang buwan ng Abril at bago ito ay noong taong 2016, 2018 at maging noong taong 2020.
Sinasabing inihihirit ng LRMC ang taas sa minimum fare ng hanggang P5.46.
kung aaprubahan ito ay magiging P16.46 na ang pasahe.
Sa ngayon nasa P11 ang base fare at merong dagdag na P1.50 bawat kilometro.