Patuloy na bumubuga ng puting steam-leaden plumes ang main crater ng Taal Volcano dalawang linggo matapos na ibinaba sa Alert Level 3 ang alert status nito.

Ayon sa Phivolcs, umaabot ng 200 hanggang 300 meters ang taas ng ibinubugang “white to dirty white steam laden plumes” ng Taal Volcano.

Nakakita rin ang ahenysa ng mahinang steaming mula sa mga fissure vents sa Daang Kastila trail na matatagpuan sa halos tatlong kilometro mula sa main crater ridge view deck ng Taal.

Aabot naman sa 115 volcanic earthquakes ang naitala ng Phivolcs, kabilang na ang low-frequency at limang harmonic tremors, na tumatagal ng isa hanggang apat na minuto.

Patunay lamang anila ito na mayroon pa ring magmatic activity sa ilalim ng Taal na maaring magresulta sa pagputok ng main crater.

-- Advertisement --