-- Advertisements --
Pinaigting pa ng Phivolcs ang kanilang pagbabantay sa Taal volcano, makaraang tumaas pa ang naitatalang abnormalidad mula sa bulkan.
Sa nakalipas lamang na 24 oras, umaabot sa 252 volcanic earthquakes ang nai-record, kabilang na ang 17 episodes ng volcanic tremor na hanggang limang minuto.
Ang main crater nito ay may moderate emission pa rin, kung saan ang steam-laden plumes ay umabot ng taas na 10 metro.
Na-monitor din ang pagtaas ng temperatura ng Taal, pati na ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission.
















