-- Advertisements --

Nasa mahigit dalawang taon ng walang anumang upgrade ang communications, navigation, and surveillance/air traffic management (CNS/ATM) ng bansa kahit na makailang beses na nilang sinabihan ang contractors na naglagay ng systems.

Sa pagdinig sa Senado ukol sa nangyaring aberya sa mga paliparan sa bansa noong Enero 1, ay sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Manuel Antonio Tamayo na kanila ng pinayuhan ang contractors na magsagawa ng upgrade.

Dahil dito ay nadismaya si Senator Grace Poe at pinayuhan si Tamayo na magsagawa dapat ng regular na upgrading.

Paliwanag naman ni Tamayo na mayroong pondo sa upgrading subalit mayroong gusot pa na inaayos ang contractors at ang Department of Transportation.