Binatikos ng Syria ang Turkey dahil sa patuloy pa rin nilang opensiba kahit na may ipinatupad na ceasefire.

Ayon sa Kurdish-led Syrian Democratic Forces (SDF) na ilang oras matapos ang anunsiyo ni US VIce President Mike Pence na pumayag na ang Turkey sa ceasefire ay ipinagpatuloy pa rin nila ang atake.

Nilinaw din nila na sumusunod sila sa nasabing ceasefire subalit ipinapakita ng Turkey na sila pa ang lumalabag.

Magugunitang pumayag ang Turkey ng ceasefire basta tuluyan ng lisanin ng Kurdish forces ang Syria.

Paglilinaw naman ng Turkey na hindi nila itinigil ang opensiba at sa halip ay namanhinga lamang sila sandali.