-- Advertisements --

Nagkasundo ang Syria at Israel na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan.

Ito ang kinumpirma ni US Ambassador to Turkey Tom Barrack suportado ng bansang Turkey, Jordan at iba pang mga karatig na bansa ang naturang kasunduan.

Hinimok din ng US envoy ang Druze, Bedouins at Sunnis na ibaba ang kanilang mga armas at kaagapay ang iba pang minorties na magtatag ng bago at nagkakaisang Syria para sa kapayapaan at pag-unlad kasama ang mga karatig bansa.

Nauna naman ng sinabi ng Israel na pinayagan nila ang Syrian forces na magkaroon ng limitadong access sa Suwayda sa southern Syria sa sunod na dalawang araw.

Ang ceasefire ay ipinairal matapos maglunsad ang Israel ng airstrikes sa Syria noong Miyerkules para umano protektahan ang Druze na isang Arab religious minority.

Nauna na ngang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng pwersa ng gobyerno ng Syria at Druze na kumitil sa mahigit 300 katao na simula nang bumagsak ang rehimen ng itinuturing na diktador ng Syria na si Bashar al-Assad.