Nagdesisyon ang Sydney Opera House na hindi nito papailawin ang mga sails o ‘layag’ nito, kasabay ng koronasyon ni King Charles III.
Ginawa ng sikat na Opera House ang nasabing desisyon, upang makapagtipid ng kuryente.
Ayon sa spokesperson ng New South Wales, kung saan naroroon ang sikat na opera house, isang teritoryo ng Australia, ang hindi nila pagpapailaw sa mga layag ng Sydney Opera House ay bahagi ng pagnanais ng pamahalaan ng New South wales na makapagtipid ng kuryente, daan upang mabawasan ang tinatawag na state consumption.
Ngunit sa likod nito, hindi rin umano pipigilan ng New South Wales ang iba pang mga establishimiyento na gawin ang anumang nais na pamamaraan upang maipakita ang kanilang pagsuport kay King Charles III.
Samantala, sa buong Australlia, iniaalay naman ng pamahalaan nito ang 21 gun salute kasabay ng koronasyon ni King Charles III. Kasama rin dito ang isang ‘fly-past ng Australlian Air Force, bilang pagsaludo kay King Charles. Ang nasabing seremonya ay isasagawaq sa Parliamen House na matatagpuan sa Canberra, ang Capital ng nasabing Estado.
Si King Charles ay kinikilalang Head of State ng Australia, kasama na ang New Zealand, at labindalawang iba pang mga teritoryo, na nasa labas ng United Kingdom.