-- Advertisements --

Ikinagalak ng Malacañang ang resulta ng bagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing apat mula sa lima o 80-porsyento ng mga Pilipino ay kontento sa kabuuang resulta ng midterm elections noong Mayo.

Sinabi ni Presidential spokesperson Sec. Salvador Panelo, mismong publiko na ang nagsalita at nagpatunay na gusto nilang ituloy ang nasimulang mga hakabang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa natitirang tatlong taon sa termino nito.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, panahon na para kalimutan ang mga kwestyon at pagdududa sa nakaraang halalan.

Maging hudyat din daw sana ang survey para tigilan na ang pagbato ng mga kritisismo rito.

Kaugnay nito, naninindigan pa rin umano si Pangulong Duterte sa panawagan nito sa Commission on Elections na gawing malaya mula sa ano mang dayaan ang sistema ng halalan sa taong 2022.

“The voice of the sovereign people has spoken. The results of the latest survey confirm the desire of the populace for the continuance of the genuine and meaningful change President Rodrigo Roa Duterte has initiated for our country three years ago. The survey results should put to rest the doubt cast by the vociferous and partisan minority upon the integrity of the midterm elections, as well as put a halt to their condescending and elitist remarks on the preference of the Filipino majority,” ani Sec. Panelo.