Kinumpirma ng Philippine National Police o PNP na nangunguna ang swindling o estafa sa mga cybercrime sa Pilipinas.
Iniulat ni PNP Chief General Benjamin Acorda na nakapag tala sila ng 15,000 cases ng swindling o estafa.
Sinundan ito ng illegal access na nasa 4,000 cases, identity theft at online liber na parehong nasa dalawang libong kaso.
Halos nasa dalawang libong kaso rin ang naitala sa credit card fraud.
Aminado si Acorda na isa sa problema nila sa pag resolba sa mga cybercrime ay ang pahirapan sa pagtukoy sa mga perpetrator o suspek sa likod ng mga nasabing krimen.
Binigyang diin ni PNP Chief na malaking tulong naman aniya ang sim card registration sa kanilang imbestigasyon.
Gumagalaw na rin ang PNP laban sa mga nagbebenta ng pre-registered sim card.
“We reported our accomplishments, although seemingly, nakita natin na nag-improve iyong crime statistics – it went down by 10 percent. But as we dissected further these crime statistics, there is a need for us to focus on cybercrime – iyon ang nakita natin na medyo tumaas as reported during the last quarter,” pahayag ni Gen. Acorda.