-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya sa FIFA Womens World Cup ng defending champion na US matapos na sila ay talunin ng Sweden.
Pinatalsik ng Sweden ang defending champion sa ma-dramang 5-4 na penalty shootout.
Sa simula ng laro ay ipinakita ng team USA ang kanilang kalakasan subalit naging mahigpit ang pagbabantay din ni Swedish goalkeeper Zecira Musovic at naharang ang tangkang goal nina Lindsey Horan at Alex Morgan para mapanatili sa 0-0 ang extra time.
Ito na ang pinakamaaagang pagkatanggal ng team USA sa World Cup.
Sa loob nagdaang walong world cup ay nakapasok sila sa semifinals kung saan apat dito ay nagkampeon sila.