-- Advertisements --

Naghigpit pa lalo ang Sweden sa pagtitipon ng mga tao para malabanan ang pagdami ng nadadapuan ng COVID-19.

Sa bagong direktiba, limitado lamang sa walong katao lamang ang maaaring magsasama-sama.

Ito ay mula sa dating 300 na ipinatupad noong nakaraang mga buwan.

Sinabi ni Prime Minister Stefan Lofven na ito ang ipapatupad na bagong norm sa buong lugar.

Bawal din magtungo sa mga fitness gyms, libraries at mag-host ng mga mga dinners.

Magugunitang umani ng batikos ang maluwag na pagpapatupad ng health protocols ng nasabing bansa na binabalewala ang lockdowns at umaasa na lamang sila sa boluntaryong hakbang ng kanilang mga mamamayan.