-- Advertisements --

Pinaburan ng mga senador ang planong suspendihin sa pagbasura ng pamahalaan sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dapat na gamitin ang panahong ito para muling suriin ang defense relationship sa pagitan ng dalawang bansa.

Giit pa ni Sotto, posibleng ring kailanganin ng bansa ng bagong kasunduan o maari rin namang amyendahan na lamang ang umiiral na balangkas ng VFA.

Para naman kay Senate committee on foreign relations chairman Sen. Aquilino “Koko” Pimenetel III, nasa kamay ng pangulo ang desisyon kung nais nitong kumalas ang bansa sa nasabing kasunduan, kaya’t hawak din ng chief executive ang desisyon kung nais nitong suspendihin ang pagbasura sa naturang kasunduan.