LEGAZPI CITY — Nakakulong na ngayon ang ika-16 sa provincial most wanted list ng Catanduanes matapos na maaresto sa operasyon ng pulisya sa Barangay Mabini, Panganiban.

Kinilala ang suspek na si Marlon Villalon, 31-anyos, isang abaca stripper na tubong Silang, Cavite at nakatira sa Barangay Bacak, bayan ng Bagamanoc.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay P/Capt. Emsol Icawat, hepe ng Panganiban Municipal Police, suspek si Villalon sa dalawang counts ng panggagahasa sa isang menor de edad na nangyari noong gabi nang Mayo 24, 2017 sa Barangay Bacak.

Sa ngayon, nananatili muna si Villalon sa detention facility ng Panganiban PNP habang hinihintay ang utos sa paglilipat nito sa provincial jail.